MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi pa nakikilalang holdaper ma tapos na makipagpalitan ng putok ng baril sa mga pulis-Maynila kamakalawa ng gabi sa Ermita Maynila.
Tinatayang nasa pagitan ng 30-35-anyos ang nasawing suspect, may taas na 5’5’’–5’7’’, katamtaman ang pangangatawan, miyembro ng Bahala na Gang at may tattoo sa likod ng katawan na “Jun”, “Eric” at “Boy Lalunsang” at “Scor pio” sa kaliwang braso at “Jimbo” at “Natu” sa kaliwang bahagi ng katawan.
Ayon sa ulat , dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa may Lagusnilad sa Taft Ave., Ermita, Maynila.
Nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga pulis nang napansin nila ang komosyon sa loob ng isang pampasaherong jeepney kung saan nagsitalunan umano ang apat na hinihinalang holdaper, habang ang isa sa kanila ay may hawak na baril at pinaputukan ang papalapit na mga pulis.
Nakatakas ang tatlo sa mga suspek at naiwang bulagta ang isa na isinugod sa pagamutan pero hindi na rin umabot pang buhay. (Ludy Bermudo)