^

Metro

16 anyos sinalvage dahil sa misis

-

MANILA, Philippines - Matapos ang halos pitong araw na pagha­hanap, bangkay na nang matagpuan ang katawan ng isang 16-anyos na bina­tilyo sa may bakanteng lote sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang biktima ay kinila­lang si Roselo Lasibal, alyas Sadam, scavenger at residente ng Kamia St., Lower Jasmin, Brgy. Pa­yatas A, sa lungsod.

Ayon sa ulat, si Lasibal ay huling nakitang buhay ng kanyang asawang si Mary Jane Samonte no­ong Nobyembre 15, 2009 ma­tapos na magpaalam na mangangalakal.

Nakilala naman ang mga suspek sa alyas na Jacob at Inan na mga resi­dente rin sa nasabing lugar.

Sinasabing matagal nang hinahanap ng pa­milya ang biktima hang­gang sa magtapat ang sus­pek na si Jacob sa isang alyas Junior na pina­tay na niya ang biktima.

Dahil dito, agad na pinuntahan ng mga kasa­mahan ang lugar na sinabi ng suspect kung saan natagpuan nga ang bik­tima habang nakahandu­say at nagsisimula nang mabulok.

Lumilitaw din sa imbes­tigasyon na love triangle ang ugat ng pamamaslang dahil ayon sa pulisya, ang suspek na si Jacob ay may gusto umano sa asawa ng nasawi at dahil hindi niya ito makuha ay pinatay na lamang niya ang hadlang na asawa.

Patuloy ang manhunt operation ng awtoridad upang maaresto ang na­sabing mga suspek. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

BRGY

DAHIL

INAN

KAMIA ST.

LOWER JASMIN

MARY JANE SAMONTE

RICKY TULIPAT

ROSELO LASIBAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with