^

Metro

Pasyente nangulila, sarili hinostage

-

MANILA, Philippines - Dahil sa pagpapabaya ng mga kaanak, nagawang ihostage ng isang pasyente ng Central Luzon Drug Rehabilitation Center ang kanyang sarili sa Pam­panga, nang-agaw ng sasakyan at bumiyahe hang­gang sa Pasay City kung saan ito napasuko ng mga awtoridad kahapon ng umaga.

Umabot ng higit tatlong oras ang negosasyon bago tuluyang sumuko ang 34 anyos na si Christopher Zamora, binata. Nabawi sa kanya ang kalibre .9mm na gamit nito sa pagbabanta sa pagbaril sa kanyang sarili.

Sa ulat ng Pasay police, humingi umano ng OB pass (Official Business) si Zamora sa mga opisyales ng CLDRC sa Magalang, Pampanga upang personal na madalaw nito ang kanyang pamilya na mahigit isang taon nang hindi dumadalaw sa kanya mula nang ipasok siya sa rehabilitation center. Tinanggihan umano ito ng CLDRC sanhi upang lalong tumindi ang pagka-aburido nito sa buhay.

Kahapon ng umaga, nakakuha ng tiyempo si Zamora nang makuha ang baril ng isa sa mga bantay ng rehabilitation center na si PO3 Jonathan Magcalas na naiwan nito sa hindi nakakandadong locker nito. Nagawa pang tutukan ng baril ni Zamora si Magcalas at tatlong beses na nagpaputok sa mga rumes­pondeng tauhan ng Magalang police station.

Dakong alas-8 ng umaga nang puwersahang pinasakay pa ni Zamora ang pulis na si Magcalas sa kotse nitong Mitsubishi Lancer (UDY-416), sapilitang pinagmaneho ito at nagpahatid sa bahay ng kanyang tiyahin sa no. 22 Leonardo Street, Pasay City.

Bandang alas-10 na ng umaga nang makarating sina Zamora at Magcalas sa Pasay kung saan agad na bumaba ng kotse ang una at itinutok ang baril sa bunganga. Dito na ito nagkulong sa bahay ng kan­yang tiyahing si Anita Nacion kung saan nagbanta na papatayin ang sarili kung puwersahang papasukin siya.

Tuluyang sumuko si Zamora sa pulisya maka­raang ipangako sa kanya na ipapaalam sa ina at mga kapatid nito ang kanyang pangungulila at gagawan ng paraan upang magkita sila. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANITA NACION

CHRISTOPHER ZAMORA

DANILO GARCIA

DRUG REHABILITATION CENTER

JONATHAN MAGCALAS

LEONARDO STREET

MAGALANG

MAGCALAS

PASAY CITY

ZAMORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with