Dishwasher natagpuang patay sa kanyang silid

MANILA, Philippines - Isang 45 anyos na umano’y pipi at bingi ang natagpuang patay sa loob ng kanyang silid kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Rodolfo de Asis, dishwasher at stay in sa isang res­taurant sa 1085 New Antipolo St., ng nasabing lungsod.

Batay sa isinagawang pagsisiyasat ni Det. Edmundo Cabal ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 6:00 ng gabi nang matagpuang matigas nang bangkay ang biktima sa loob ng kaniyang kuwarto.

Huling nakitang buhay ang biktima na pu­masok sa loob ng kanyang kuwarto dakong alas-3 ng hapon upang magpa­hinga. Dahil inabot na umano ng kung ilang oras ay di pa rin lumalabas ang biktima ay pinun­tahan na ito ng kanyang employer sa kanyang kuwarto para gisingin. Subalit laking gulat nito ng pagbukas ng pinto ay nakitang patay na ang biktima. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments