^

Metro

Nanutok sa brodkaster di pinahirit

-

MANILA, Philippines -  Dinismis kahapon ng Phi­lippine National Police ang apela ng isang gun toting mo­torist na humihirit na ikon­si­dera ang pagbabalik sa kinan­selang lisensya ng kanyang armas matapos na masang­kot sa panunutok ng baril sa ABS-CBN TV host na si Sheryl Cosim sa gitgitan sa trapiko Quezon City noong Nobyembre 2.

Ang suspek na si Richard Ordoñez ay  nahaharap sa kasong kriminal matapos ireklamo ni Cosim.

Kasabay nito, ipinasusuko ng PNP ang naturang baril kay Ordoñez at kung hindi ay mahaharap ito sa karagda­gang kasong kriminal mata­pos na kanselahin ang lisen­sya nito. Batay sa record ng PNP, may apat na handgun ang na­ka­isyu kay Ordoñez at dala­wang low-powered rifles.  Gayunman, lahat ng lisensya ng nasabing mga baril ay wala nang bisa.   (Joy Cantos)

BATAY

COSIM

DINISMIS

GAYUNMAN

JOY CANTOS

NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

RICHARD ORDO

SHERYL COSIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with