^

Metro

3 problemado sa buhay nag-suicide

- Nina Lordeth Bonilla, Angie Dela Cruz at Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines -  Tatlo katao ang nagpatiwakal dahil sa kani-kanilang mga problema na hindi na nila nakayang dalhin sa kanilang dibdib sa magkakaibang lugar sa Metro Manila kahapon.

Nagbigti sa kisame ng kanyang bahay sa 19 C. Adelfa St., Brgy. Tansa, Navotas ang 56 anyos na mister na si Teodolfo Felix na sinasabing nabaon sa utang.

Bandang alas-7 ng umaga nang ma­diskubre ang bangkay ni Felix ng asawa niyang si Edith sa ikatlong palapag ng kanilang bahay.

Ayon sa ginang, may ilang minuto din niya hinanap ang kanyang  mister at tumam­bad sa kanya ang kanyang mister na nakabitin sa kisame habang nakatali ang isang nylon cord sa leeg nito.

Natagpuan sa tabi ng bangkay nito ang  isang suicide note, na nakasaad ang ganitong mga kataga:

“Edith: Pasinsya ka na kung bakit ko ginawa ito dahil pareho tayong nahihirapan sa  kalagayan natin ito, kasi marami tayong pinagkakautangan, nahihiya ako dito sa ga­gawin ko kahit konti makabawas sa utang. Huwag mong pababayaan ang mga bata at ang anak mong si Monina at ang sarili mo. Patawad sa ginawa ko. Teddy”.

Dahil naman sa iniindang sakit kaya nag­pakamatay sa pamamagitan ng pag­laslas sa kanyang braso ang 21- anyos na dalagang si Marjorie Magpusao ng 28 Tulip­ St., Brgy. Saint Dominic, Quezon City.

Dakong ala-1 ng hapon kamakalawa nang matuklasan ang bangkay ni Mag­pusao sa loob ng kanyang bahay.

Sinasabing dumating ang kapatid ni Magpusao na si Mary Joice galing sa eskuwelahan nang makita ang una na duguan na sa kusina at may laslas sa kaliwang braso gamit ang  kitchen knife.

Nalaman pa sa ina ng biktima na nasa anim na buwan nang may primary complex ang dalaga na malamang na iniinda nito at ito ang siyang maaring dahilan kung bakit nagpakamatay ang anak.

Dahil naman sa umano’y hindi maka­yanang problema kaya nagpatiwakal sa pama­magitan ng pagtungga ng silver cleaner ang isang tinedyer kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Sa kabila nito, tumanggi naman ang pamilya ng biktima na ipalathala pa ang pangalan ng 16-anyos na nasawi bilang respeto umano dito at hindi na rin pina­imbestigahan sa pulisya ang kaso bunsod na rin sa paniniwalang walang naganap na foul play sa pagkamatay nito.

Sa ulat naman ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, bandang alas-3:40 ng madaling-araw nang matag­pu­ang patay ang biktima sa loob ng ka­nilang bahay sa  Planas St., Tondo ma­tapos umanong uminom  ng silver cleaner.

Kaagad isinugod  ng pamilya ang bik­tima sa Ospital ng Maynila subalit idinek­lara na itong dead-on-arrival. 

Tumanggi rin naman ang pamilya ng biktima na sabihin sa pulisya ang tunay na motibo ng pagpapakamatay ng ka­nilang kaanak.

vuukle comment

ADELFA ST.

BRGY

DAHIL

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT

MARJORIE MAGPUSAO

MARY JOICE

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with