^

Metro

Binata lasog sa dump truck

-

MANILA, Philippines - Sa damit na suot na lamang umano na­kilala ng kaanak ang binatang nagulungan ng rumaragasang dump truck dahil sa pagkabasag ng bungo at lasog na katawan nito, habang nagma­ma­neho ng motor­ siklo, sa Ermita, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang si John Paul Yao, ng M. Nati­vidad St., Sta. Cruz, Maynila.

Pinasibad naman umano ng driver ang kanyang minamane­hong dump truck ma­tapos masagasaan ang biktima sa direk­siyon ng south.

Sa ulat, dakong alas-2:15 ng madaling- araw nang maganap ang insidente sa kanto ng P. Burgos Ave., at Ma. Orosa St., Ermita, Maynila.

Binabagtas ng di nakilalang driver ang kahabaan ng P. Burgos Ave., habang minama­neho nito ang isang dump truck subalit pag­sapit sa P. Burgos Ave., nang naabutan ng red signal light.

Hindi na nagawang huminto ang driver na siya namang pagliko ng biktima sakay ng kanyang motorsiklo na Honda wave (UB 9623) dahilan upang magulungan ito ng rumaragasang dump truck.

Dahil sa malakas ng pagkakabangga ng driver ng dump truck sa binata kaya naba­sag ang bungo nito dahilan ng kanyang agarang kamatayan. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BINABAGTAS

BURGOS AVE

CRUZ

DAHIL

ERMITA

JOHN PAUL YAO

LUDY BERMUDO

MAYNILA

OROSA ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with