^

Metro

Demolisyon sa Pasay: 3 patay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tatlong residente ng Golden Mosque Muslim community ang sinasabing nasawi makaraang magkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga residente at Special Weapons and Tactics unit ng Pasay City Police sa madugong demolisyon, kaha­pon ng umaga sa Pasay City.

Sa pahayag ni Anak Min­danao partylist Rep. Mujiv Hataman sa mga mamama­hayag, kinilala nito ang mga nasawi na sina Hakim Usman, 30; Rajib Catis, 7-anyos; at Yakub Ma­kauma, 30-anyos, pawang mga residente ng Islamic Center sa may Roxas Boulevard, ng naturang lungsod.

Itinanggi naman ni Flo­ rencio San Mateo, hepe ng Pasay Traffic and Parking Management at pinuno ng demolition team, na wala silang alam na nasawi sa naturang insi­dente. Sinabi rin ni Pasay police chief, Supt. Raul Petra­santa na wa­lang nasawi at palabas lamang umano ng mga residenteng Muslim na may namatay upang maka­suhan ang pulisya.

Samantala, isinugod naman sa San Juan De Dios Hospital ang dalawa pang sugatang residente ng naturang lugar at siyam na miyembro ng demolition team na nasugatan sa naganap na demolisyon.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang isagawa ang demolisyon sa bisa ng court order mula sa Parañaque City Regional Trial Court branch 474 na nasa ilalim ni Judge Fortunito Petrona na inilabas pa noong Agosto 11 subalit kahapon pa lamang naipatupad ng mga otoridad.

Nag-umpisang maging ma­rahas ang naturang demo­lisyon makaraang mag-umpi­sang mam­bato ng malalaking tipak ng bato at molotov bombs ang mga residente habang ang ilan ay sina­sabing nagpaputok rin ng baril. Gumanti naman uma­no ng putok ang mga miyembro ng Pasay SWAT na nagbibigay ng seguridad sa demolisyon sa mga nagwawalang mga resi­dente.

Makalipas ang isang oras, nagawa ring mapasok ng demolition team ang naturang lugar at magiba ang mga ba­rung-barong na itinayo ng mga iligal na residente.

Nabatid na nakatakdang gawin umanong “intermodal terminal” ang naturang lugar na magiging sentro ng transpor­tasyon ng Metro Manila at mga lalawigan sa Timog Kataga­lugan. Hindi naman ginalaw ng demolition team ang umano’y ipinagtatanggol na Mosque sa naturang lugar na pagagan­dahin pa umano ng Pasay City Government.

vuukle comment

ANAK MIN

CITY REGIONAL TRIAL COURT

GOLDEN MOSQUE MUSLIM

HAKIM USMAN

ISLAMIC CENTER

JUDGE FORTUNITO PETRONA

METRO MANILA

MUJIV HATAMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with