^

Metro

2 patay sa 'special agent' ng NBI

-

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi makaraang pag­ba­­barilin sila ng kapit­bahay nilang nagpapa­kila­lang “special agent” ng Na­tional Bureau of Investi­gation (NBI) dahil sa tuksuhan, kamaka­lawa ng gabi sa Muntin­lupa City.

Patay na nang idating sa pagamutan sina Noli Dimaapi, ng Block 9 Lot 11 Katarungan Village 2, Brgy. Poblacion at Ed­mundo Ullega, residente rin ng naturang lugar. Nabatid na natadtad ng bala ang ka­tawan ni Di­maapi habang nagtamo ng tama ng bala sa mukha si Ullega.

Tumakas naman ang suspect na nakilala la­mang sa pangalang Saul Her­mano, kapitbahay ng mga biktima at umano’y special agent ng NBI matapos ang ginawang pamamaril.

Sa imbestigasyon ng Muntinlupa police, papa­uwi na ng kanyang bahay ang suspek pasado alas-9 ng gabi nang mapa­daan sa dalawang bik­tima na nag-iinuman. Nagparinig umano ang mga ito na pa­parating na ang miyembro ng “Ta­kuza” (takot sa asawa) habang may nag­salita pa na “ander de saya” ito.

Dito nagpanting ang tenga ng suspek na agad na bumunot ng dala niyang baril at binistay ng bala ang mga kapitbahay na nag-iinuman.

Nabatid na pinag-initan ng mga kapitbahay ang suspek nang manita ito sa ingay ng pag-iinuman sa kalsada at minsa’y pag­papaputok ng baril ng mga kapit­bahay sanhi upang mag­pakilala itong ahente umano ng NBI. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

BUREAU OF INVESTI

DALAWANG

DANILO GARCIA

KATARUNGAN VILLAGE

NABATID

NOLI DIMAAPI

SAUL HER

SHY

ULLEGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with