^

Metro

BoC sumablay sa pag-aresto

-

MANILA, Philippines - Tinawag na “lousy” ang Bureau of Customs (BoC) ng kanilang inter­national counter part dahil sa palpak na ope­ras­yon nito nang arestu­hin ang isang dayuhan na uma­no’y miyembro ng   Cus­toms Investigation Office-Department of Drugs sa Frankfurt, Germany.

Ayon sa isang Cus­tom official, nalagay sa panget na imahe ang BoC ng Pilipinas dahil sa pagka­kaaresto nila sa agent na si Joachin Kuhne, na nag­panggap na poseur drug trafficker sa Ninoy Aquino Interna­tional Airport. Da­hil dito kaya’t tina­wag umano ng Ger­man Cus­toms ang Cus­toms sa Pilipinas bilang “lousy”.

Matatandaan na nag­sa­gawa ng operasyon ang Intelligence and In­vestigation Service sa pangunguna ni director Filomeno Vicencio Jr laban kay Kuhne dahil sa illegal possession of cocaine na tumitimbang ng limang kilo at tina­ta­yang P50 milyon ang halaga. Subalit lingid sa ka­alaman ni Vicencio ang kargamento ng cocaine ay controlled delivery na pinapayagang makapa­sok sa bansa upang ma­huli ang hinihinalang buyer na si Michael Lee na siyang kukuha ng kontrabando.

Ang nasabing operas­yon umano ay usapang gobyerno sa gobyerno at maaring naging maayos kung hindi dahil kay Vi­cen­cio, kaya nasunog ang   operasyon ayon pa sa opisyal ng BOC dahil mayroong legal na doku­mento ang dayuhan upang makapagbitbit ito ng cocaine. Upang hindi naman umano maulit ang kahi­hiyang inabot, kayat ga­gawa ng guidelines ang Bureau of Customs (BoC) tungkol sa “con­trolled delivery” entrap­ment operations.

Ayon kay BoC Com­mis­sioner Napoleon Mo­rales, ipinag-utos na niya ang paggawa ng bagong rules upang makatulong sa mga Customs agents na madetermina kung ang kargamento ay illegal o hindi. Paliwanag naman ni Morales ang pagkaka­mali sa anti-drug opera­tion sa NAIA ay resulta la­mang ng miscommunica­tion sa parte ng opisyal ng Cus­ toms Intelligence and In­vestigation Service (CIIS). (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

FILOMENO VICENCIO JR

GEMMA AMARGO-GARCIA

INTELLIGENCE AND IN

JOACHIN KUHNE

MICHAEL LEE

NAPOLEON MO

NINOY AQUINO INTERNA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with