^

Metro

DILG consultant natagpuang patay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang consultant sa Department of Interior and Local Government (DILG) at dating UP pro­fessor ang natagpu­ang patay sa loob ng ladies comfort room ng nasa­bing kagawaran sa lung­sod Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Simeon Obida, 83, residente ng Tayabas Quezon at stay in con­sultant ni Senior Action officer for  Transparency and Anti-Graft-Cor­ruption Asst. Sec. Edgardo Abenina. 

Ayon sa pulisya, si Obida ay natagpuang walang buhay ng ja­ni­tress ng kagawaran na si Candeleria Dornedo, 42, sa loob ng CR na mata­tagpuan sa ika-4 na pa­lapag ng DILG office sa Francisco Gold Con­do­minium II, EDSA corner Mapagmahal St., Brgy. Pinayahan pasado alas-7 ng umaga.

Ayon kay Dornedo, maglilinis sana siya ng banyo sa nasabing pala­pag nang marinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa nasabing ku­beta. Dahil dito nag­pasya siyang silipin kung may naliligo, hanggang sa mabungaran niya ang biktima na duguang na­kahandusay sa sahig. 

“Lumabas ’yung dugo niya sa ilong, bunganga at tainga dahil sa lakas marahil ng pressure nito, pero maaring natural death ang pagkamatay,” ayon sa pulisya. 

Batay sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) may nakitang malaking putok sa ulo ang biktima na pi­naniniwalaang nabagok umano matapos na ata­ke­hin sa kanyang sakit.

Gayunman, inaalam pa rin ng pulisya kung may foul play sa pag­ka­matay ng nasabing biktima.

vuukle comment

AYON

CANDELERIA DORNEDO

EDGARDO ABENINA

FRANCISCO GOLD CON

MAPAGMAHAL ST.

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SENIOR ACTION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with