MANILA, Philippines - Bangkay na nang lumutang ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang malaglag at tuluyang malunod sa Tullan river sa Malabon City kahapon ng umaga.
Lumobo na ang katawan sanhi ng pumasok na tubig nang marekober ang bangkay ni Ron Jayson Odulio, ng Pag-asa Street, Tonsuya, Malabon.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang mawalan ng balanse at malaglag sa ilog si Odulio habang tumatawid sa tulay sa may P. Aquino, Tonsuya. (Danilo Garcia)