^

Metro

2 holdaper todas sa barilan

-

MANILA, Philippines - Dalawang hindi pa naki­kilalang mga holdaper ang namatay nang maki­pag­barilan sa mga tauhan ng Malabon City Police na ru­mesponde sa pangho­hol­dap sa isang taxi driver, kahapon ng madaling-araw sa naturang lungsod.

Kasalukuyan pang ina­alam ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na di­nala sa Nate Funeral Homes habang nakatakas ang isa pang kasamahan ng mga ito.

Kinilala naman ni Supt. Antonio Ricafort, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit, ang bikti­mang si Henry Refante, 51-anyos, ng Riverside, Potrero ng lungsod., driver ng Elgean taxi.

Dakong alas-12:30 ng hatinggabi nang isakay ng biktima sa kanyang taxi ang tatlong suspek sa Longos street at nagpahatid sa may Pampano Street.

Halos hindi pa nakaka­layo ay nagdeklara na ng holdap ang mga biktima at binalutan ng masking tape ang bibig at mga kamay ni Refante bago inilagay sa compartment ng sasakyan.

Pagsapit sa Pampano st., ng lungsod ay napansin ng mga nagrorondang mga pulis ang mga suspek subalit bago malapitan ay nagba­baan ang mga huli sabay bunot ng mga baril at pinu­tukan ang mga pulis.

Gu­manti ang mga pulis at nang matapos ay bulagta ang dalawang suspek ha­bang nakatakas naman ang isa pang kasama nito.

Pinalad naman na hindi tinamaan ang biktima na nakita ng mga pulis sa compartment ng taxi. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTONIO RICAFORT

DAKONG

DANILO GARCIA

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE OPERATION UNIT

HENRY REFANTE

MALABON CITY POLICE

NATE FUNERAL HOMES

PAMPANO STREET

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with