^

Metro

Political lawyer sugatan: Simbahan grinanada

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang abogado ang su­gatan nang sumambulat ang isang granada na inihagis ng isang hindi nakikilalang lalake sa harap ng isang kapilya ng Methodist sa lungsod Quezon kahapon ng tanghali.

Nakilala ang biktima na si Atty. Manuel Molina, uma­no’y political lawyer na nag­ tamo ng sugat sa katawan dahil sa mga sharpnel.

Sa lakas na pagsabog ay nawasak ang salamin ng isang Honda City (WEJ-770) kung saan sumabog ang granada.

Sinasabing nangyari ang insidente sa may harap ng Kamuning First Methodist Church sa Kamuning Road, corner Edsa  sa Quezon City.

Kalalabas lamang ng biktima sa naturang sim­bahan nang sumulpot ng isang naka-jacket na lalake at naghagis ng granada.

Ayon sa mga nakasaksi, sa paghagis ng suspek ng granada ay tumama ito sa bubungan ng Honda City saka gumulong patungo sa windshield kung saan ito sumambulat.

Tiyempo namang malapit sa lugar ang biktima kaya tinamaan ito habang ang suspek ay mabilis namang naglakad papalayo sa lugar.

Bukod sa Honda City ba­hagya ring napinsala ang tatlo pang sasakyan tulad ng isang Volvo (JLA-800), Toyota Corolla (TSS-350), at Nissan Van (TMC-356).

Narekober ng awtoridad sa nasabing insidente ang pira-piraso bakal, at safety pin na mula sa MK2 frag­mention grenade.

AYON

BUKOD

HONDA CITY

ISANG

KAMUNING FIRST METHODIST CHURCH

KAMUNING ROAD

MANUEL MOLINA

NISSAN VAN

QUEZON CITY

TOYOTA COROLLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with