^

Metro

Salvage victim, natagpuan sa Quezon City

-

MANILA, Philippines - Isang lalaki na pinani­niwalaang biktima ng sal­vage ang natagpuan ka­hapon sa Quezon City.

Ang hindi pa nakikila­lang biktima ay tinatayang   nasa edad 35-40, may taas na 5’5’’, kayumanggi at nakasuot ng itim na cor­duroy,  may tattoo sa ka­nang balikat na dragon at may tattoo rin sa kaliwang dibdib na hugis puso.

Nabatid sa report, na­diskubre ang bangkay ng biktima ganap na alas-6:45 ng umaga sa Mindanao Avenue Ext., Brgy. Sta. Monica Novaliches ng na­banggit na lungsod.

Sinasabing nakatali ng packaging tape ang ulo at  mukha ng biktima pati na rin ang mga paa nito at may dalawang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.

Teorya ng pulisya sa ibang lugar ginawa ang pamamaslang at itina­pon na lamang ito sa naturang lugar para lituhin ang im­bestigasyon.

Ang kasong ito ay pa­tuloy na binubusisi ng mga awtoridad. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BRGY

CRUZ

ISANG

MINDANAO AVENUE EXT

MONICA NOVALICHES

NABATID

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with