Nabuko kasi ni nanay: Buntis na dalagita, lumagok ng silver cleaner

MANILA, Philippines - Dahil sa nabuking ng ina na nagdadalantao kayat nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner ang isang 17-anyos na 1st year college student kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang itinago sa pangalang  Rochelle base na rin sa kahilingan ng pamilya nito,

1st year college stu­dent sa isang kolehiyo sa Pampanga at resi­dente ng Tondo, Manila.

Lumalabas sa ulat ni Det. Gerry Amores ng Ma­nila Police District (MPD)-Homicide Sec­tion, dakong alas-7:00 ng umaga nang madis­kubre ang bangkay ng nasawi ng ina nito sa loob ng kanyang kwarto.

Gigisingin sana ng ina na si Aling Myville ang anak upang maka­pag­handa sa kanilang pagpunta sa Pampanga subalit laking gulat nito ng makitang wala nang buhay ang anak.

Ayon sa ina ng bik­tima, bago ang pagpa­pa­­kamatay ng anak ay nabuking niya ito na tatlong buwan nang buntis matapos na ma­pansin na tila lumalaki ang tiyan at dede nito subalit itinatanggi nito.

Gayunman, napilit din ng ina ang anak na aminin upang matulu­ngan umano nito na harapin ang kanyang problema.

Nakatakda sanang magtungo ang biktima at ang ina nito sa Pam­panga upang kausapin ang nobyong nakabuntis sa kanyang anak subalit mas pinili nito na mag­pakamatay.

Nakuha sa tabi ng biktima ang isang bote ng silver cleaner na gi­namit sa pagpapaka­matay.

Nabatid na nakilala ng dalagita ang kanyang nobyo sa Pampanga kung saan ito nag-aaral.

Dumating ang bik­tima sa Maynila nitong Oktubre 4 upang mag­ba­kasyon at dito sa kan­yang tiyahin pangsa­mantalang nanirahan.

Tumanggi naman ang mga magulang ng nasawi na sumailalim sa autopsiya dahil nani­niwala silang walang foul play sa pagkamatay nito.

Show comments