^

Metro

Promdi sinalisihan ng sex worker

-

MANILA, Philippines - Sa kagustuhang mapaligaya ang sarili sa kamay ng isang prostitute, pagkadismaya ang inabot ng isang probinsyano ma­tapos na tangayin ng una ang kanyang dalang salapi sa loob ng isang apartelle sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na lulugu-lugong nagtungo sa himpilan ng Police station 10 ng Quezon City Police District para mag­reklamo ay kinilalang si Ferdinand Gonzales, 26, binata, factory worker, ng Marinig, Cabuyao, Laguna.

Ayon sa biktima, naubos ang lahat ng kanyang kinita na aabot sa P14,000 matapos tirahin ng nasabing prostitute. Nangyari ang insidente sa Confiado motel sa Aurora Blvd., Cubao sa naturang lungsod.

Sinabi ni Gonzales na nag-aabang siya ng masasakyan nang lumapit sa kanya ang isang prostitute at inalok siya ng sex sa halagang P350. Dahil mura at para magkaroon ng kakaibang karanasan ay pumayag ang biktima at nagtungo ang mga ito sa Confiado Apartele.

Ngunit nang mailapag na ng biktima ang kanyang gamit at nagtungo sa banyo ay biglang kinuha ng babae ang kanyang pouch na naglalaman ng nasabing pera at mabilis na tumakas. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AURORA BLVD

AYON

CABUYAO

CONFIADO

CONFIADO APARTELE

CUBAO

FERDINAND GONZALES

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with