^

Metro

Tindero tinarakan ng kapwa vendor

-

MANILA, Philippines - Wanted sa pulisya ang isang tindero ng segundamanong cell­phone matapos pagsasaksakin ang kapwa niya tindero na naningil ng P50 na tinanggihan naman ng una sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. Binawian ng buhay habang ginagamot sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Angelito Co, 23,   ng Kagitingan St., Tondo, sanhi ng saksak sa katawan buhat sa suspect na kini­lala lamang sa alyas na “Roger” at “Pare”. Mabilis na tuma­kas ang suspect matapos ang isinagawang krimen.

Dakong alas-3:15 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tindahan ng cellphone ng biktima na nasa kanto ng Juan Luna at Padre Rada St., Tondo. Nabatid na kabilang ang biktima at suspek sa grupo ng mga nagbebenta ng second hand cellphone sa nasabing lugar at isang babaeng kostumer ang nagreklamo sa pulis dahil sa sira umano ang nabili sa kanila.

Nang pumayag ang babae sa areglo na lamang at hindi na itutuloy ang reklamo sa pulis at nag-ambag-ambag ang lahat na tindero ng second hand cellphone upang makabuo ng P950 na hinihingi ng babae. Bukod tanging ang suspect ang hindi nag-ambag ng 50 piso.

Ilang oras na ang nakalipas hanggang sa magkaniya-kaniyang tulog na sila nang bigla na lamang pasukin ng suspek ang biktima sa tindahan nito at inundayan ng mga saksak sa katawan. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ANGELITO CO

BINAWIAN

BUKOD

DAKONG

ILANG

JUAN LUNA

KAGITINGAN ST.

LUDY BERMUDO

MARY JOHNSTON HOSPITAL

PADRE RADA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with