500 Pinoy nakapiit sa iba't ibang piitan sa mundo dahil sa droga

MANILA, Philippines - May 500 Pinoy ang naka­piit ngayon sa iba’t ibang mga piitan sa ibang panig ng mundo dahil sa pagkakasang­kot sa drug smuggling.

Ito ang ulat na ipinarating sa Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) ni Jose­lito Gimeno, Philippine Consul General sa Guangzhou, kung saan sa bansang China pa lamang ay mayroon ng 95 mga Pinoy ang nakapiit sa iba’t ibang mga kulungan dito. Apat sa mga ito ang naha­harap sa kasong bitay.

Ani Gimeno karamihan sa mga ito ay naloloko ng mga da­yuhang sindikato ng droga pero kung minsan ay kapwa Pinoy din ang nagsasabit sa ka­nila sa drug smuggling ka­pa­lit ng halagang mula $500 hanggang $2,000 kada biyahe. Sa pagka­kahambing sa ibang mga bansa sa Asia gaya ng Indonesia, Malaysia, Singa­pore, at Viet­nam, kung saan mayroon lamang silang tig-10 hanggang 20 nationals na­kapiit.

Ayon naman sa DFA may­roon aniyang 210 ang nakapiit sa iba’t ibang piitan sa ibang panig ng mundo taliwas sa Middle East na karamihang nakakulong doon ay mga kaba­baihang sangkot din sa iligal na droga. (Ricky Tulipat at Ellen Fernando)

Show comments