^

Metro

Binata tinodas matapos makipag-date sa textmate

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata matapos na umano’y paluin sa ulo ilang oras matapos na makipagkita umano sa kanyang ka-textmate na tsiks sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Joblyn Antiquera, 24, binata, delibery boy ng 12 St. Peter St., Remirville Subd., Brgy Baesa sa lungsod. Si Antiquera ay natagpuan na lamang ng mga residente na walang buhay sa may gate ng Villarica subdivision, sa nasa­bing barangay ganap na alas-2 ng madaling araw.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, bago natagpuang patay ang biktima, alas-9 ng gabi ay nakipag-inuman pa ito sa kanyang mga kaibigan kung saan masaya pa itong nakikipag-text sa isang babae. Matapos ang inuman ay nagpaalam ang biktima sa mga kainuman para puntahan ang nasabing ka-text, hanggang sa matagpuan na lang itong walang buhay.

Ayon sa pulisya, bukod sa nakitang palo sa ulo, may nakita ring bakas ng kagat sa kanyang braso na indikasyon na may nakaaway ito bago naganap ang insidente. Hinihiwalay naman ng awtoridad ang anggulong holdap dahil intact ang pitaka ng biktima. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Ricky Tulipat)

AYON

BRGY BAESA

HINIHIWALAY

JOBLYN ANTIQUERA

KINILALA

MATAPOS

REMIRVILLE SUBD

RICKY TULIPAT

SI ANTIQUERA

ST. PETER ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with