^

Metro

NBI agent todas sa 3 holdaper

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang National Bureau of Investi­ gation (NBI) agent nang pagbabarilin at pagsa­saksakin ng tatlong holdaper sa holdapang na­ganap sa isang pampasaherong dyip, sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawing biktima na si Special Investigator III Gil Yanesa, nakatalaga sa NBI-Anti Kidnapping, Hijacking and Armed Robber Division (NBI-AKHARD), 40,residente ng Gabriel Bldg. Zaragosa st. Tondo, Maynila.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hos­pital ang biktima dahil sa tinamong bala at mga saksak sa katawan at dibdib.

Hawak na ng NBI ang mga suspek na sina Ronel Restugese, 27, isang Joel Azarcon at isang alias “Pepeng” matapos na maaresto sa isina­gawang follow-up operation.

Dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng isang pampasaherong jeepney habang binabagtas ang kahabaan ng Road 10, malapit sa Lakandula St., Tondo.

Sakay ang biktima sa jeep (NXB 746) na may rutang Quiapo-Divisioria-North Harbor nang pag­sapit sa nasabing lugar nang nagdeklara ng holdap ang mga suspek na nagpanggap na mga pasahero.

Umalma umano ang biktima at tinangka nitong manlaban dahilan upang magkagulo sa loob ng pampasaherong jeepney at magbabaan ang mga pasahero habang pinagtulungan naman ang biktima ng 3 suspek.

Nang bumagsak na ang biktima ay nagkaniya-kaniyang takbo papatakas ang mga suspek habang ang mga nakasaksi ang nagsugod sa pagamutan sa biktima. (Ludy Bermudo)

ANTI KIDNAPPING

BIKTIMA

GABRIEL BLDG

GAT ANDRES BONIFACIO HOS

GIL YANESA

HIJACKING AND ARMED ROBBER DIVISION

JOEL AZARCON

LAKANDULA ST.

LUDY BERMUDO

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with