MANILA, Philippines - Pormal nang nagdeklara kahapon sina Manila Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Isko Moreno bilang running mates sa mayoralty race sa darating na 2010 election na ginanap sa Bonifacio Shrine, malapit sa Manila City Hall, Ermita Maynila, kahapon ng hapon.
Ang koalisyon ng political organization ni Lim, ang Laban para sa Kapayapaan, Katarungan at Kaunlaran o KKK at ni Sen. Noynoy Aquino III na Liberal Party ay pormal na naghayag ng pagsasanib pwersa at suporta sa isa’t-isa.
Sa harap ng tinatayang 50-libong tao na pawang nakasuot ng dilaw na t-shirts ay inihayag ni Lim ang todo suporta ng KKK kay Noynoy. Doon din isinagawa ang oath-taking ng pinakabagong miyembro ng KKK na si Isko Moreno bago pa ipinakilala nila ng alkalde ang partial list ng mga kandidato sa kongreso at city council.
Isa umanong ‘perfect match’ sila ni Moreno dahil kapwa sila nagmula sa kahirapan at taga-Maynila na kapwa may adhikaing ibigay ang edukasyon, health care at basic social services lalo na sa mga mahihirap na mamamayan. (Ludy Bermudo)