^

Metro

Bebot na utol ni Alvin Flores, target ng operasyon ng NBI

-

MANILA, Philippines - Naglunsad ng manhunt ope­ration ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa kapatid na babae ng nasawing lider ng Alvin Flores gang na ka­bilang din sa grupo at isa pang umano’y miyembro nila na isang New People’s Army (NPA).

Target ngayon ng operas­yon ng NBI si Merlinda Flores, alyas Mailyn Villamor at isang JR na sinasabing miyembro ng NPA. Binanggit ni NBI Director Nestor Mantaring nasa lima pa ang miyembro ng kilabot na grupo ang nakalalaya.

Ibinebe­ripika nila ang ulat na miyembro si JR ng NPA kahit ka­sama rin ito sa grupo ng Alvin Flores gang.

Si Merlinda rin ang sinasa­bing umupa sa sinalakay na safehouse sa Plaridel Bulacan   kung saan narekober ang mga matataas na kalibre ng baril, mga uniporme ng Bomb squad, PNP uniforms at Bitag T-shirts at iba pang paraphernalias sa kanilang robbery operation.

Inaalam din ng NBI ang na­kalap na ulat na operator ng taxi si Flores at gumagamit ng ‘dummy’ sa kaniyang negosyo.

Nakikipag-ugnayan na rin ang NBI sa National Telecom­mu­ni­cations Commission (NTC) upang ma-trace ang mga nilalaman ng two-way radios na nasamsam sa nasabing hide-out.   (Ludy Bermudo)

ALVIN FLORES

BITAG T

DIRECTOR NESTOR MANTARING

LUDY BERMUDO

MAILYN VILLAMOR

MERLINDA FLORES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL TELECOM

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with