^

Metro

Mandaluyong, Que­zon City niyanig ng pagsabog

- Joy Cantos, Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawa na namang pag­sabog ang naganap kahapon ng madaling-araw, isa sa Man­daluyong at isa sa Que­zon City.

Kasunod naman nito, pi­nawi kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang mga pangamba ng mga resi­dente ng Metro Manila na isang uri ng ‘terrorist attack’ ang naganap na magkasunod na pagsabog.

Naitala ang unang pag­sabog dakong alas-3 ng ma­daling-araw sa Ortigas Center sa Mandaluyong City kung saan isang “improvised explo­sive device (IED)” ang su­mam­bulat dito.

Nangalaglag ang mga letra ng electric billboard ng San Miguel Corporation na nasa kanto ng Julia Vargas at San Miguel Avenue nang ihagis dito ng mga hindi naki­lalang suspek ang sinasabing pasabog.

Hindi naman nakilala ang mga nasa likod ng pagpapa­sabog makaraang wala nang abutan ang security guard na si Jesus Cabigayan sa kan­yang pagresponde sa natu­rang lugar.

Pasado alas-5 naman ng umaga nang yanigin ng ma­lakas na pagsabog ang Que­zon City, sa harap naman ng Puregold Supermarket na nasa Commonwelth Avenue.

Ang pagsabog ay nagdulot ng pagkawasak ng harapan, karatula ng naturang eatabli­simento.

Ayon pa kay Insp. Arnulfo L. Franco, hepe ng Explosive Ordnance Disposal team ng Quezon City Police, nag-iwan din ang pagsabog ng hukay na may lalim na 3.5 talampa­kan at 24 sentimetro lawak.

Sinabi ng guwardiyang si Joel Galmorin, ng K9 Security Agency, nakita na lang niya ang isang lalake na may dalang plastic bag at biglang itinapon ito sa lugar.Ang na­sabing bag ay bigla na lamang naglabas ng usok bago tu­luyang sumabog.

Sinabi ni PNP Chief Di­rector General Jesus Verzosa na mahinang klase ang mga ginamit na pampasabog at tila walang intensyong manakit subali’t aminado na blanko pa rin ang kapulisan sa motibo ng pagpapasabog.

Kasabay nito, inatasan ni Verzosa si National Capital Re­gion Police Office (NCRPO) Chief Director Roberto ‘Boysie’ Rosales na imbestiga­han ang nangyaring insidente kung may kaugnayan sa dalawang insidente rin ng pambobomba sa Pasig City at Quezon City noong Oktubre 30.

Noong Oktubre 30 ay niya­nig ng pagsabog ng pillbox ang isang plantbox sa hara­pan ng Union Bank Plaza Towers sa kahabaan ng Me­ralco Avenue, Pasig City, ha­bang isa namang Impro­vised Explosive Device ang suma­bog din sa isang condo­minium building sa Quezon City .

Samantalang , pinayuhan rin ng chief PNP ang taum­bayan na huwag magpanik at ipagpatuloy lamang ang ka­nilang normal na gawain ka­sabay ng pangakong ihaha­rap nila sa batas ang may ka­gagawan ng mga pagpapasa­bog sa susunod na mga araw.

ARNULFO L

CHIEF DI

CHIEF DIRECTOR ROBERTO

CITY

COMMONWELTH AVENUE

EXPLOSIVE DEVICE

PASIG CITY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with