^

Metro

Para di magamit ng kriminal, Saklolo ng DOH sa Cosmetic surgeons hingi

-

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang National Bureau of Investigation sa Department of Health na bumalangkas ng hakbang para hindi ma­gamit ng masasamang ele­mento ang mga cosmetic surgeons sa pagpa­pa­re­toke ng mukha para ma­kapagtago sa batas.

Inaamin ni NBI Deputy Director for Intelligence Services Ruel Lasala na hindi maaring papanagutin sa batas si Dr. Dominador Ped­racio ng Clinica Antipolo dahil hindi nito alam na isang wanted na criminal ang isa niyang pasyente na natukla­sang si Alvin Flores na lider ng isang holdup-robbery at napatay sa Cebu noong Oktubre 29.

Huli na umano nang madiskubre ni Pedracio na ang most wanted na robbery gang lider ang kaniyang niretoke nang mapanood sa telebisyon dahil inakala niya noon na isa itong bading, base sa pagpapakilala sa kaniya bago isagawa ang procedure.

Naniniwala si Lasala na ang mga surgeons at iba pang medical staff ay walang kamalay-malay na nagiging instrumento ng mga taong may mabibigat na kasong criminal dahil gumagamit ng ibang pa­ngalan ang mga ito at nag­tatahi ng dahilan para maka-avail ng serbisyo at maitago ang kanilang tunay na mukha at pagkatao sa mata ng awtoridad.

Nabatid na noong Set­yembre 30, 2009 nang isa­gawa niya ang plastic surgery kay Flores na nagtago sa pangalang John Carlo Cruz Chavez.

Sa naging pahayag ni Dr. Pedracio, umaasa siya na gagawa ng hakbang ang gobyerno upang protekta­han sila laban sa paggamit sa kanila ng mga kriminal. (Ludy Bermudo)

ALVIN FLORES

CLINICA ANTIPOLO

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPUTY DIRECTOR

DR. DOMINADOR PED

DR. PEDRACIO

INTELLIGENCE SERVICES RUEL LASALA

JOHN CARLO CRUZ CHAVEZ

LUDY BERMUDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with