^

Metro

Lasing namaril; 1 todas, 2 sugatan

-

MANILA, Philippines - Isa ang agad na nasawi habang dalawa pa ang malub­hang nasugatan makaraang pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang lasing na lalaki kamakalawa ng gabi sa Para­ñaque City.

Hindi na umabot nang buhay sa South Superhighway Medical Center ang biktimang si Joseph Gilven Lamame, nasa hustong gulang, ng Bacolod, San Pablo, Laguna sanhi ng dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib at tiyan habang ginagamot naman sina Norman Resulto, 26, residente ng Cabugbugan, Sta. Ignacia, Tarlac sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib at Liberty Suarez ng San Martin de Porres, Parañaque City na tinamaan naman ng ligaw na bala.

Dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang pama­maril sa isang footbridge sa East Service Road, Bicutan Interchange, Barangay San Martin de Porres.

Naglalakad ang magkaibigang sina Lamame at Resulto sa nasabing tulay nang makasalubong nila ang suspek na umanoy lango sa alak at bigla na lamang silang sinigawan sa hindi mabatid na dahilan.

Dito nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa magbunot ng baril ang suspek at walang habas na nagpaputok.

Nang kapwa duguang bumulagta ang magkaibigan ay mabilis na nagtatakbo papatakas sa di mabatid na direk­siyon palayo sa nasabing lugar ang suspek. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BARANGAY SAN MARTIN

BICUTAN INTERCHANGE

DANILO GARCIA

EAST SERVICE ROAD

JOSEPH GILVEN LAMAME

LIBERTY SUAREZ

NORMAN RESULTO

SAN MARTIN

SAN PABLO

SOUTH SUPERHIGHWAY MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with