^

Metro

Alvin Flores group, paralisado na - NBI

-

MANILA, Philippines - Naniniwala ang National Bureau of Investigation (NBI) na tuluyan nang paralisado ang grupong Alvin Flores gang dahil sa pagkamatay ng lider nila at pag raid sa umanoy hide-out ng grupo sa Plaridel Bulacan.

Ayon kay NBI Deputy for Intel­ligence Services Atty. Ruel Lasala, 100 porsiyento umano na wala nang kapasidad ang Alvin Flores gang upang maka­pambiktima pa.

Ito ay dahil sa karaniwan umano ay walong araw upang i-retrieve ng grupo ang kanilang natitirang mga armas subalit dahil sa na raid na ang kanilang hideout kamakalawa ay wala na silang mababalikan dito.

Bukod pa rito, nagtatago na rin umano ang ilan sa mga mi­yembro ng grupo na siya nga­yong target ng operasyon ng mga awtoridad.

Sa isinagawang raid kaha­pon, ilang matataas na kalibre ng baril, bulletproof vests at mga bala ang narekober ng mga ahente ng NBI sa ginawang pag­salakay sa hide-out ng sin­dikato sa Plaridel Bulacan.

Ang Alvin Flores gang ang siyang responsable sa pagna­nakaw sa Rolex store sa Green­belt mall sa Ayala Makati nong Oktubre 11 at sila rin ang nasa likod ng serye ng panghohol­dap sa mga warehouse sa Pasig at iba pang establisi­mento kabi­lang na dito ang mga Banko.

Napatay naman ang lider na si Alvin Flores at ilang kasama­han nito sa Cebu matapos ang isang engkwentro kasunod pa ang pagkakadakip sa ilan pa nilang ka-miyembro.   (Gemma Amargo-Garcia)

ALVIN FLORES

ANG ALVIN FLORES

AYALA MAKATI

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PLARIDEL BULACAN

RUEL LASALA

SERVICES ATTY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with