^

Metro

Delivery boy niratrat, patay

-

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 24- anyos na delivery boy, samantalang sugatan ang isa pang kasama nito matapos silang pagbaba­rilin ng hindi nakikilalang mga suspek habang papasok sa kanilang pinapasukang trabaho kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Hndi na umabot ng buhay sa Ospital ng Sampaloc sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Glen Palada ng Zone 7 Wawa Malabon, Biñan Laguna, samantalang ginaga­mot din sa naturang ospital si Vender Perol, 24, binata, store helper ng #84 Geronimo St., Sam­paloc, Manila bunsod ng tama ng bala sa katawan.

Patuloy namang pinaghaha­nap ng pulisya ang mga suspek na nakilala lamang sa mga alyas na   Patotot, Wewe at Mar­vin na mabilis na tumakas ma­tapos ang pamamaril.

Base sa ulat ni Det. Ed­gardo Ko ng Manila Police Dis­trict (MPD)-Homicide Section, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang naganap ang insi­dente sa panulukan ng M.H. dela Fuente at F. Fajardo Sts., Sampaloc, Manila.

Nabatid na ang mga biktima ay kapwa delivery boy ng mga softdrinks sa Royal Mart Mer­chandising sa Vicente G. Cruz, Sampaloc, Manila.

Bago naganap ang pama­maril, galing umano ang dalawa sa bahay ni Perol upang ku­muha ng kanilang mga gamit at kumain ng kanilang hapunan.

Matapos kumain ay nag­lakad pabalik sa kanilang pina­pasukan ang dalawa subalit pagdating sa nasabing lugar ay bigla na lamang lumabas sa isang madilim na bahagi ang mga salarin at walang sabi-sabing binaril ang mga ito.

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa kanilang tra­baho ang motibo sa pagpatay o simpleng nakursunadahan lamang ang mga ito. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

FAJARDO STS

GEMMA AMARGO-GARCIA

GERONIMO ST.

GLEN PALADA

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DIS

ROYAL MART MER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with