^

Metro

2 nene tiklo sa pandurukot

-

MANILA, Philippines - Dalawang nene ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nang magsisigaw ang isang estudyante na kanilang dinudukutan, sa Sampaloc, Manila kamakalawa ng hapon. Nasa kustodiya pa ng MPD-Women and Children Concern Division (WCCD) ang mga suspek na sina alyas Annalie, 17 at alyas Jenny, 15, kapwa residente ng Basan St., Quinta Market, Quiapo, Manila nang pormal na sampahan ng reklamo ng biktimang si Rhaine Ferrer, 18, estudyante ng St., Dominique, Cavite City.

Ayon sa ulat, dakong alas-5 ng hapon nang maaresto ang mga suspek sa kanto ng C.M. Recto Ave at Morayta St., sa Sampaloc. Sinabi ng biktima na binangga siya ng isa sa dalawang suspek habang naglalakad at nakasunod naman ang isa hanggang mapansin niyang nasa loob na ng bag niya ang kamay ng huli kaya napasigaw siya ng “mandurukot, mandurukot”.

Sa oras na iyon, nagsasagawa ng routine detective beat patrol ang pulisya kaya naaresto ang dalawa. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ANNALIE

BASAN ST.

CAVITE CITY

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MORAYTA ST.

QUINTA MARKET

RECTO AVE

RHAINE FERRER

WOMEN AND CHILDREN CONCERN DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with