Mambobosong lolo, dinedo sa suntok
MANILA, Philippines - Pamboboso sa kanyang asawa. Ito ang mga pangunahing dahilan kaya napatay sa bugbog ng isang mister ang isang lolo sa Quezon City ng madaling-araw.
Kinilala ang nasawi na si Macky Lim, 55, ng Brgy. Fairview sa lungsod. Agad namang naaresto ng awtoridad ang salarin na si Bonifacio Dionaldo, 35, karpintero at residente rin sa nasabing lugar.
Ayon sa report, natutulig na umano ang suspek sa paulit-ulit na sumbong sa kanya na madalas daw binobosohan ng biktima ang kanyang asawa lalo na tuwing ito ay nagpapadede ng kanilang sanggol na anak kung kaya nito ginawa ang krimen.
Nangyari ang insidente sa kanilang lugar pasado ala-1 ng madaling-araw.
Dahil sa pagkapundi ay una nang sinampal ni Dionaldo si Lim na gumanti naman ng pananaksak at nadamplisan ang una sa palad.
Dito ay galit na binigyan ng sunud-sunod na suntok at sipa ni Dionaldo si Lim dahilan upang manlupaypay ito sa lupa.
Sinabi pa ng suspek, taong 2001 pa nang simulang bosohan ng matanda ang kanyang asawa pero tinitiis niya at binabalewala hanggang sa mapundi na rin siya at magawa ang krimen. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending