^

Metro

Holdaper nasukol sa kisame

-

MANILA, Philippines - Mistulang nasukol na daga ang isang kilabot na holdaper ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics unit ng Eastern Po­lice District (EPD) makaraang magsumiksik ito sa makipot na kisame ng isang bahay, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City. Nakilala ang naarestong holdaper na si Eugene Marbella, alyas Jamir, 27, ng Private Road, Brgy. Hulo, ng naturang lungsod. Pinaghahanap naman ang nakatakas nitong kasama­han na nakilala sa alyas Bryan.

Sa ulat ng Mandaluyong police, dakong alas-11:45 ng gabi nang hablutin ng dalawang suspek ang bag ng 21-anyos na si Camille Victoria Fileer, isang sales associate, habang kumakain ito sa isang tapsilogan kasama ang isang kaibigan sa may Paraiso Street, Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng isang itim na Honda Wave (PB-9843) ngunit naispatan naman ang mga ito ng nagpapatrulyang pulisya na humabol sa mga ito sakay ng kanilang mga motorsiklo.

Nabatid naman na napilitang bumaba si Marbella sa motorsiklo at nagtatakbo sa loob ng kanyang bahay bago nag­tago sa kisame. Ngunit naging mapursige naman ang mga pulis nang halughugin ang lahat ng parte ng bahay ng suspek hanggang sa madiskubre ang pinagtataguan nito sa kisame ng bahay. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

CAMILLE VICTORIA FILEER

DANILO GARCIA

EASTERN PO

EUGENE MARBELLA

HONDA WAVE

MANDALUYONG CITY

PARAISO STREET

PRIVATE ROAD

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with