^

Metro

Doktor na nagretoke kay Alvin Flores lumantad

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Lumantad na kahapon sa tanggapan ng National Bu­reau of Investigation (NBI) para magbigay-linaw ang doktor na sinasabing nagre­toke sa mukha ng napaslang na lider ng robbery gang na si Alvin Flores .

Dakong alas-2 ng hapon nang dumating sa tanggapan ni Atty. Ruel Lasala, Deputy Director for Intelligence Ser­vices ng NBI si Dr. Dominador Pedracio, ng Clinica Antipolo upang linawin ang ilang isyu.

Nakiusap si Dr. Pedracio sa media na hindi muna siya dapat magbigay ng pahayag upang unahin ang paglilinaw sa NBI, at hindi rin sinagot nito ang isang katanungan, na kung siya ang nagsagawa ng plastic surgery kay Alvin Flores.

Nilinaw naman ng abo­gado ni Pedracio na si Atty. Vir­gilio Garcia, hindi naman aku­sado ang kanyang kli­yente kundi magbibigay lamang ng clarificatory state­ment upang malinawan ang isyu. Naging ‘very coope­ra­tive’ naman umano ang doktor sa isinagawang pagta­tanong ng NBI.

Nabatid naman sa source sa NBI na sinabi ni Dr. Pedra­cio na hindi niya alam na si Flores ay isa sa kanilang pas­yente dahil ibang pangalan ang ginamit nito at nagdahilan pa na isa siyang bakla kaya nais na ma-enhance ang kan­yang hitsura. 

Sa pahayag naman ng sec­retary ng Philippine So­ciety of Cosmetic Surgeons, na si Dr, Mariano Agcaoili, sa panayam ng isang telebisyon, hindi nila gawain ang mag-background check sa ka­nilang kliyente at may sinu­sunod naman na patient-doctor confidentiality.

Samantala, tuluyan na ring napasok ng NBI ang sina­sabing safehouse ng Alvin Flores gang sa Plaridel, Bu­lacan. Nabatid na dakong alas-10 ng umaga kahapon (Biyer­nes) nang dumating ang search warrants at tuluyan nang pasukin ng mga opera­tiba ang abandonadong safe­house.

Mga matataas na kalibre ng baril, t-shirts na kinopya sa “Bitag”, uniporme ng Nasam­sam sa isinagawang pagsa­lakay ang matataas na kalibre ng baril, mga bala at iba pang gamit sa ginawang panloloob sa Rolex store, sa Greenbelt 5 , Makati.

Sa kanilang impormasyon, ang kapatid ng napatay na si Alvin Flores, ang umupa sa nasabing safehouse na kinila­lang si Merlinda Flores, may tatlong linggo pa lamang ang nakararaan.

Tugis na rin ng NBI at PNP si Merlinda dahil sa out­standing warrant of arrest na nakabinbin laban sa kaniya sa mga kaso ng robbery.

Kabilang sa nasamsam ang M-16 at M-14 armalites, shotgun, M-203, carbine at iba’t ibang uri ng bala. Nakuha din ang martilyo, PNP uni­forms, bomb squad uniform, Bitag t-shirts, bolt cutter, taxi meter, taxi signage, red plates, helmets, ilang piraso ng two-way radio at iba pang paraphernalias. (Dagdag ulat ni Boy Cruz)

vuukle comment

ALVIN FLORES

BITAG

BOY CRUZ

CLINICA ANTIPOLO

COSMETIC SURGEONS

DEPUTY DIRECTOR

DR. DOMINADOR PEDRACIO

DR. PEDRA

DR. PEDRACIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with