^

Metro

Sa palpak na butt augmentation, 4 kaso vs Belo, 2 pang doktor isinampa ng NBI

- Nina Angie Dela Cruz at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sinampahan ng apat na kasong kriminal sa Que­zon City Prosecutor’s Office ng National Bureau of Investi­gation (NBI) si Dr. Vicki Belo at dalawa pang doktor ng Belo Medical Group na nagsagawa ng palpak na butt augmenta­tion kay Jose­fina Norcio.

Gayunman, sinabi ni Norcio bagamat inisyal na ta­gumpay na niya ito sa nangyari sa kanya, pipilitin niyang malitis sa kasong frustrated homicide sina Belo dahil sa epektong di­nulot sa kanyang kalusu­ gan ng ginawang butt augmen­tation ng mga ito sa kanya.

Kasong estafa, reckless imprudence, paglabag sa consumers act at paglabag sa revenue code ang si­nam­pa ng NBI kina Belo.

Sinabi ni Trixie Angeles, abogado ni Norcio, pinag-aaralan na nilang maghain ng hiwalay na kaso para sa frustrated homicide dahil ang butt augmentation na ginawa kay Norcio na mun­tik na nitong ikinamatay dahil sa ginamit na hydro­gel.

Bukod kay Dra. Belo, ka­sama sa kaso sina Dr. Ro­lando Cayetano at Dr. Fran­cis Decanchon na kapwa naglagay ng hydro­gel sa puwet ni Norcio.

Si Belo ang nakakum­binsi kay Norsio na suma­ilalim sa butt augmentation gamit ang hydrogel na ipinagmalaki nitong 100% safe and permanent, si Cayetano naman ang unang naglagay ng tig-100cc ng hydrogel sa magkabilang puwet ni Norcio habang si Decan­chon naman ang nag­dag­dag ng tig-80cc sa mag­­kabilang puwet ng biktima ng hindi magpantay sa unang procedure.

Ayon kay Angeles, mag­hahain din sila ng kasong sibil laban kina Belo para maghabol ng danyos pero hindi pa alam ni Norcio kung magkano ang magi­ging halaga nito.

Sinabi ni Norcio na major victory sa kanya ang pag­de­demanda ng NBI kina Belo pero galit ang kanyang naramdaman ng malaman ang resulta ng pagsusuri ng NBI na ang hydrogel na ginamit sa kanya ay may nakama­matay na substance na acroealin. Sarado na uma­no si Norcio sa anumang posi­bilidad ng out of court settle­­ment bagkus ay gusto niyang makitang nasa kulu­ngan sina Belo, De­canchon at Cayetano.

vuukle comment

BELO

BELO MEDICAL GROUP

CAYETANO

CITY PROSECUTOR

DR. FRAN

DR. RO

DR. VICKI BELO

NATIONAL BUREAU OF INVESTI

NORCIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with