^

Metro

NCRPO umalerto sa bagong modus ng sindikato

-

MANILA, Philippines - Inalarma kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Roberto Rosales ang kanyang limang district directors ukol sa kumakalat na text messages patungkol sa bagong modus operandi ng grupong kriminal na pambabato ng itlog sa mga sasakyan. Sinabi ni Rosales na isang masamang biro ang posibleng pangya­yari ngunit wala pa namang natatanggap na ulat ang pulisya na nabiktima ng pambabato ng itlog. Inihayag pa nito na sa ibang bansa, ang pambabato ng itlog ay nagdudulot ng mataas na bahagdan ng aksidente sa kalsada.

Sa ulat, ginagamit ng sindikato ang ilang kabataan sa pamba­bato ng ilog sa mga sasakyan. Kapag tumigil na ang nagma­maneho nito dahil sa lumabo na ang harap na salamin ay doon na ito hoholdapin. Inamin naman ng pulisya na tumaas ang insidente ng krimen na sangkot ang mga kabataan mula edad 12 hanggang 14. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

INALARMA

INAMIN

INIHAYAG

ITLOG

KAPAG

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

ROBERTO ROSALES

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with