^

Metro

Barkers sa Edsa itataboy ng MMDA

-

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Traffic Enforcement Group ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaway na barkers sa kahabaan ng EDSA na ka­nilang aarestuhin ang mga ito dahil sa nagiging sanhi ng matinding trapiko dahil sa ginagawang iligal terminal ang ilang bahagi ng natu­rang highway.

Ito’y makaraang ares­tuhin ng MMDA-TEG ang mga barker na sina Luisito Dael, 42, at kapatid nitong si Ave­lino, 20, kahapon ng umaga sa isinagawang ope­rasyon laban sa mga kolo­rum na FX vans sa harap ng MRT Que­zon Avenue Station sa Que­zon City. 

Naaktuhan ang mga ito na nagtatawag ng mga pa­sa­hero sa naturang lugar na nagiging sanhi ng pag­sisikip ng daloy ng tra­piko.

Sinampahan na ang mag­kapatid ng kasong pagla­bag sa Section 107 ng Que­zon City Ordinance 3730 o mas kilala bilang “Anti-Barker law”.

Bukod sa Quezon Ave­nue, nabatid naman na tala­mak rin ang paghahari-harian ng mga sigang barker sa may EDSA-Monumento sa Caloocan City at Ka­muning MRT-EDSA station na sinasabing may mga kasabwat na enforcer rin ng MMDA. (Danilo Garcia)

AVENUE STATION

CALOOCAN CITY

CITY ORDINANCE

DANILO GARCIA

LUISITO DAEL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON AVE

SHY

TRAFFIC ENFORCEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with