^

Metro

Ginang patay sa silver cleaner

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 30-anyos na ginang makaraang uminom ng silver cleaner ma­tapos ang ginawang pam­bubugbog sa kaniya ng live-in partner, sa Tondo, May­nila, kahapon ng ma­daling-araw.

May ilang oras nang patay nang matagpuan ng kanyang landlord si Sal­vacion Ferrer, hiwalay sa asawa at may bagong kina­kasama at residente ng 1545 Yakal St., Tondo, Manila dakong alas- 5:45 ng umaga sa loob ng inuupa­han nitong kuwarto.

Nabatid pa na bago ang pagpapakamatay ng ginang   ay narinig ang pag-aaway nito at kinakasamang si Enri­que De Guzman na nauwi pa umano sa pana­nakit ng huli na naganap sa bahay ng tatay ni De Guz­man sa May­haligue, Tondo.

Naikuwento ito ng bik­tima sa anak ng landlord   at panay ang iyak umano ng biktima at hindi na umuwi pa sa upahang kuwarto si De Guzman.

Mag-uumaga na nang nadiskubre ni Rodolfo Uy, landlord ng nasawi na wala ng buhay ang biktima na nakahiga umano sa kama nito.Sunog ang labi at dila ng biktima bunsod umano ng pag-inom ng silver cleaner at nasa tabi nito ang bas­yong bote ng nasabing kemikal.

Inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Kamakalawa lamang, isang 16-anyos na dalagita ang nagpakamatay din sa pag-inom ng silver cleaner, sa Tondo, Maynila, bunsod rin ng pag-aaway nila ng live-in partner.

vuukle comment

DE GUZ

DE GUZMAN

ENRI

INAALAM

KAMAKALAWA

MAYNILA

RODOLFO UY

SHY

YAKAL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with