Dalagita ginulpi ng 7 tomboy, grabe

MANILA, Philippines - Isang 15-anyos na dala­gita ang nasa kritikal na kon­disyon matapos pagtulu­ngang gulpi­hin ng pitong tom­boy habang namumulot ng kandila upang ibenta kama­kalawa ng gabi sa lungsod ng Caloocan.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng matinding pinsala sa leeg ang biktimang si Maricar Siguane, taga-Libis, Baesa ng lungsod na ito.

Nadakip naman si Ma. Vic­toria Battad, 18, ng Reparo St., Bagong Barrio, Caloocan habang nakatakas sina alyas Jessica; Baby Jane; Apple; Maru; Singkit at isang hindi pa nakikilalang kasama ng mga ito.

Sinabi ng ina ng biktima na si Maritess, 33, naganap ang insidente kamakalawa ng gabi sa Eternal Garden, East Bagong Barrio.

Sumama sa kanya ang dalagita upang makatulong sa pamumulot ng mga kandila.

Nagkahiwalay ang mag-ina sa pamumulot at nang muling magkita ay halos gulay na ang biktima, punit-punit ang damit at nananakit ang leeg. (Lordeth Bonilla)

Show comments