^

Metro

4 na Tsinoy niratrat sa Malate

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng hini­hinalang mga holdaper ang isang van na sinasakyan ng apat na miyembro ng isang pamilyang Filipino-Chinese sa Roxas Boulevard, Malate, Maynila mula nang sundan umano sila ng mga suspek sa Service Road ng Parañaque City bago tuluyang limasin ang kanilang mga dala-dala­han at salapi.

Sa kabila ng tinamong bala sa likod, nagtangka pang idiretso sa pagamutan ng sugatang biktimang si Ruben Chua, 44, ng 12th Street, New Manila, Quezon City, ang mi­na­manehong sasakyan mula Parañaque hanggang sa Maynila upang takasan ang mga holdaper subalit sa dami ng dugong nawala ay nahilo ito at bumangga sa puno.

Sugatan din ang asawa ni Chua na si Joselyn, 41, at biye­nang si Clarita Jo, 69, na kapwa nagtamo ng bala sa katawan. Masuwerteng naka­ligtas sa bala ang anak ng mag-asawa na si Denzel, 13 anyos.

Agad rumesponde ang mga tauhan ni Manila Police District-Station 5 Chief P/Supt. Romulo Sapitula at naabutan ang nakabangga pang pulang Toyota Lite-Ace ng mga bik­tima sa isang puno, malapit sa Diamond Hotel, panulukan ng Quintos St. at Roxas Boulevard.

Nauna rito, dakong alas-8:30 ng umaga nang maga­nap ang insidente, ilang mi­nuto lamang umano mula nang sunduin ng mag-asa­wang Tsinoy ang maglola mula sa Ninoy Aquino International Airport sa Para­ñaque.

Paghinto sa red traffic light ng sasakyan ng mga biktima sa Roxas Boulevard, sumul­pot ang riding-in-tandem na mga suspek na armado uma­no ng kalibre 9mm na baril at dinikitan ang van at inutusan ang mga biktima na buksan ang pintuan ng sasakyan.

Nang hindi sundin ni Ruben ang mga suspek ay pi­nutukan siya at kaniyang pa­milya subalit nagawa niyang koberan ang anak na naka­pwesto sa hara­pang passenger seat kaya nabaril siya sa likod.

Tinamaan naman sa ka­nang paa ang kaniyang misis habang ang biyenan ay sa kaliwang paa nagtamo ng bala.

Puwersahan ding binuk­san ng mga suspek ang van at nilimas ang lahat ng mga bagahe.

Nang masaksihan naman ng guwardiyang si Randy Gallardo, nakatalaga sa Manila Diamond Hotel, agad niyang itinawag sa pulisya at nagpatulong siya sa taxi driver na si Edgar Urata na dalhin sa Ospital ng Maynila ang mga biktima.

Ayon pa sa ulat, ang suga­tang mag-ina ay ginamot sa OSMA habang inilipat naman sa Metropolitan Medical Center si Ruben dahil kailangang operahan.

Sinabi ng imbestigador na natangay ng mga suspek ang di pa nabatid na cash mula kay Ruben, mamahaling ‘Nine West’ bag na may lamang US$700; P8,000, dalawang passports, cellphone at credit cards. Bukod dito, tinangay din umano ang Nine West bag ng biyenan na may lamang P10,000 cash, cellphone at credit cards at ilang bagahe.

CHIEF P

CLARITA JO

DIAMOND HOTEL

EDGAR URATA

MAYNILA

NINE WEST

ROXAS BOULEVARD

RUBEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with