^

Metro

Nakaupong bangkay natagpuan

-

MANILA, Philippines - Nakaupo sa isang silya subalit nabubulok na ang katawan ng isang 27-anyos na janitor nang datnan ito ng kapatid na dumalaw sa kaniya, sa San Andres, Maynila, kamakalwa ng hapon.

Bukod sa pagkaka-upo, nakasapo sa dibdib ang isang kamay ng biktimang si Renato Azares,   ng   Dagonoy St., San Andres, Maynila, indikasyong nagsikip ang dibdib nito bago malagutan ng hininga habang nag-iisa sa kaniyang inuupahang silid.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:00 ng hapon nang madiskure ang bangkay, sa pagdalaw ng kapatid nitong si Marife Avacilla.

Sinabi sa ulat na halos malapit lamang ang bahay ni Avacilla sa biktima at noong Miyerkules (Oktubre 28) pa huling nakitang buhay ang utol nang pumasok ito sa trabaho

Naisipan lamang dalawin sa kaniyang inuupahang bahay ang biktima dahil hindi umano sumasagot ito sa cellphone at nais niyang ipakisuyo ang pagpapadala ng pera sa kanilang probinsiya, ayon sa kapatid.

Nang papalapit na umano sa bahay ng biktima si Avacilla, inakala niyang may patay na daga dahil sa nakakasulasok na amoy at nang katukin ay walang sumasagot kaya puwersahang binuksan ang pintuan, sa tulong ng ilang kapitbahay at doon natuklasan ang nagsisimula nang maagnas na katawan ng kapatid. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AVACILLA

BUKOD

DAGONOY ST.

LUDY BERMUDO

MARIFE AVACILLA

MAYNILA

MIYERKULES

RENATO AZARES

SAN ANDRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with