^

Metro

Gun amnesty pinalawig ng PNP

-

MANILA, Philippines - Magandang balita sa mga may humahawak ng hindi lisen­syadong baril dahil bi­nigyan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang mga ito ng 30 araw na extension para magpare­histro ng kanilang mga armas.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police chief Director Ge­neral Jesus Verzosa, ma­tapos na payagan umano ng Pa­ngulo ang kanilang kahili­ngan para sa nasabing exten­sion na sana’y nagtapos ka­hapon.

Kasunod nito, nangako si Verzosa na ipagpapatuloy ng PNP ang police operation para sa implementasyon ng national firearms control pro­gram laban sa loose firearms. Sinabi ng opis­yal, sa ngayon matagum­pay namang natu­gu­nan ng kanilang hanay ang target na iti­nakda ng pangulo para bawa­san ang bilang ng loose fire­arms sa 3% kada buwan simula noong July, 2009.

Aniya, umabot sa kabu­uang 171,337 mula sa 1.1 million loose firearms na ka­nilang target ang nakumpleto nila simula Oktubre 28, 2009.

Kaugnay dito, ayon kay Civil Security Group Director Chief Supt. Ireneo Bacolod, may ka­buuang 15,394 loose firearms ang ipinarehistro ng mga gun owners sa loob ng nakalipas na tatlong buwan simula nang ipatupad ang general firearms amnesty para dito.

Base sa rekords, lumilitaw na may kabuuang 150,886 expired firearms licenses ang na-renewed, habang ang mga baril naman nasa kustodiya ng korte at iba pang ahensya ng pa­mahalaan ay may admi­nis­trative procedures pang ipapa­tupad para bilangin ito.

Nilinaw ng opisyal na sa la­ra­ngan ng operasyon may ka­bu­uang 4,957 loose firearms sa magkakahiwalay na police ope­ration ang nasamsam. Sa kabila nito, giit ni Bacolod kailangan pa umanong big­yang ng sapat na oras ang mga gun holders para pa-renew nila ang kanilang mga baril. (Ricky Tulipat)

CHIEF SUPT

CIVIL SECURITY GROUP DIRECTOR

DIRECTOR GE

FIREARMS

IRENEO BACOLOD

JESUS VERZOSA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PARA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with