^

Metro

Papasadang Dagupan bus, iimpound - Suansing

-

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Land Trans­portation Franchising Regu­latory Board (LTFRB) Chair­man Alberto Suansing sa ap­prehending officers ng ahen­siya na iimpound ang lahat ng bus ng Dagupan Bus Inc. na makikitang papasada nga­yong Undas.

“Inutos ko sa mga tauhan natin sa LTFRB na iimpound ang mga bus ng Dagupan na makikita sa daan at nireko­menda ko na rin sa LTO na ganito din ang gawin nila dahil suspended ang buong fleet nila dahil sa nagdaang aksi­dente,” pahayag ni Suansing.

Isang buwang suspendido ang buong fleet ng Dagupan bus dahil sa pagkahulog sa ba­ngin ng bus nito sa Caua­yan, Isabela na ikinamatay ng 11 katao at pagkasugat ng 28 iba pa nitong Lunes

Sinabi ni Suansing na na­isilbi na nila ang notice of sus­pension sa Dagupan bus at itinakda anya ng ahensiya na isailalim sa pagdinig ang kaso nito sa Nobyembre 5 ng umaga.

“Sa hearing, kailangang ipa­liwanag na mabuti ng Da­gupan bus kung road-worthy ba ang kanilang sasakyan, kung bihasa ba ang driver nila sa lugar na pinasok nito at kung bakit ito pumasok sa ruta ng Isabela gayung expired ang franchise nito sa na­sa­bing ruta, hanggang Panga­sinan lang sila dapat batay sa franchise nila sa ngayon,” pa­hayag ni Suansing.

Ang rutang Isabela ng Dagupan Bus Inc. ay paso na noong 1996 pa kaya’t nang ma­aksidente ang bus nito sa Cauayan Isabela ay na­nga­ngahulugang ito ay out of line. (Angie dela Cruz)

ALBERTO SUANSING

BUS

CAUAYAN ISABELA

DAGUPAN

DAGUPAN BUS INC

FRANCHISING REGU

ISABELA

LAND TRANS

SHY

SUANSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with