^

Metro

2 totoy nalunod sa golf course

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawang 10-anyos na batang lalaki ang kapwa nasawi makara­ang malunod sa lagoon sa loob ng isang golf course na kanilang pina­sok, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kapwa wala nang buhay nang maiahon sa lagoon ng Villamor Air­Base Golf Course sina Benjie Nuelan at Charles Maravillo, kapwa grade 4 pupils at naninirahan sa Sitio Una, Gate 3, Brgy. Bi­cutan, Fort Boni­fa­cio,Taguig City.

Sa ulat ni PO3 Ro­naldo David, ng Pasay police, dakong alas-7:30 ng gabi nang maiahon sa lagoon ng golf course ang dalawang biktima. Nabatid na palihim na pumasok ang mga bik­tima kasama ang 13-an­yos na si Resmond Da­qule sa maliit na butas sa pader ng golf course upang mamulot ng mga nagkalat na golf balls na kanilang ibinebenta.

Unang nadulas si Nuelan na agad na ku­mapit kay Maravillo ngu­nit nahatak din pababa sa may 10 talampakan na lalim na tubig sa naturang lagoon.

Agad namang hu­mi­ngi ng tulong si Daqule sa mga obrero sa naturang lugar ngunit kapwa wala nang buhay ang dala­wang bata nang duma­ting sila sa lagoon.

Nagsasagawa na­man ng imbestigasyon ang pulisya kung nagka­roon ng posibleng kapa­ba­yaan ang golf course sa insidente dahil sa na­turang siwang sa ka­nilang pader.


vuukle comment

BASE GOLF COURSE

BENJIE NUELAN

CHARLES MARAVILLO

FORT BONI

PASAY CITY

RESMOND DA

SHY

SITIO UNA

TAGUIG CITY

VILLAMOR AIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with