Ginang natagpuang patay

MANILA, Philippines - Isang ginang ang na­tagpuang walang buhay na may tama ng saksak sa katawan sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Adelfa Macapate, 48, housemaid ng Area 1, Sitio Payong, Old Balara sa lungsod.

Natagpuan ang bang­kay nito sa isang masukal na lugar sa Sitio Payong ganap na alas-8 ng umaga.

Bago matagpuan ang bangkay nito ay nag-pa­alam ito sa kanila na mag­pupunta sa City Hall para magparehistro ka­sama ang isang kaibigan.

Simula noon ay hindi na umano nagawang bu­malik ng biktima, at na­laman na lang nilang nawawala ito nang tu­mawag ang amo nito sa Capitol sites at hinanap siya. Patuloy ang im­ besti­gasyon ng awtori­dad sa na­sabing insi­dente upang matukoy ang ugat ng pama­maslang. (Ricky Tulipat)

Show comments