^

Metro

Binata nagbigti

-

MANILA, Philippines - Dahil sa iiwan na siya ng kanyang nobya para mag-abroad, minabuti na lamang ng isang binata na magpakamatay sa pamamagitan ng pagbi­bigti sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Dante Opiana, 24.

Sa imbestigasyon ng Malabon City Police, alas-11 ng gabi nang makitang nakabigti ang biktima sa loob ng ka­nilang bahay ng   kaibi­gan nitong si Jessie Tacot, 33.

Ayon kay Tacot, bago magbigti ang biktima ay nag-iinuman sila sa loob ng bahay ng huli kung saan nasabi nito ang kan­yang sama ng loob dahil paalis na ang kanyang nobya.

Nagpaalam sandali si Tacot upang kumuha ng yelo at bumili pa ng alak subalit nang bumalik ito ay nakita na lamang ang biktima na nakabigti ng sinturon.

Agad na kinalag ni Tacot sa pagkakabigti ang biktima at dinala sa na­sabing ospital pero hindi na rin umabot pang buhay. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

DAHIL

DANTE OPIANA

JESSIE TACOT

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

NAGPAALAM

NAKILALA

TACOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with