^

Metro

Van nagliyab sa EDSA

-

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa pagkasunog ang dala­wang sundalo makaraang magliyab ang sinasakyan nilang Mitsubishi L-300 van sa kahabaan ng South Luzon Express­way kahapon ng umaga sa Makati City.

Bago pa magliyab ang van (UHE-695) ay nakababa na ang mga sakay nitong sina PAF Lt. Sr. Grade Elmer Toriado at Private 1st Class Edward Delta, kapwa nakatalaga sa Fort Boni­facio, Taguig City.

Sa ulat ng Makati Fire Department, dakong alas-10:50 ng umaga nang maganap ang insidente sa may Paseo de Magallanes patungong South Super Highway.    

Halos 30 minuto naman ang tinagal nang pagkakasunog ng naturang van bago tuluyan naapula ng mga nagres­pondeng mga tauhan ng Makati Bureau Fire Protection.

Batay sa pahayag ni Delta ihahatid sana niya ang kanyang opisyal na si Toriado sa NAIA at habang tinatahak nila ang kahabaan ng SLEX ay bigla na lamang umusok ang unahang bahagi ng kanyang minamanehong van. Ma­bilis na kumalat ang apoy sa loob ng naturang van.

Malaki naman ang hinala ng mga awtoridad na maaaring nag-over heat ang makina nito o nagkaroon ng engine trouble kung kaya bigla na lamang itong nagliyab. (Danilo Garcia)

CLASS EDWARD DELTA

DANILO GARCIA

FORT BONI

MAKATI BUREAU FIRE PROTECTION

MAKATI CITY

MAKATI FIRE DEPARTMENT

MITSUBISHI L

SOUTH LUZON EXPRESS

SOUTH SUPER HIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with