Trader tinaniman ng bala sa mukha
MANILA, Philippines - Isang negosyante ang namatay makaraang taniman ng bala ng isa sa tatlong armadong kalalakihan sa tapat mismo ng kanyang hardware sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Danilo Butak, 50, may-ari ng NADS Construction Supply sa may Filinvest, Road 1, Brgy. Batasan Hills, Quezon City. Isang tama ng bala sa mukha ang kumitil sa buhay nito.
Base sa report, pasado alas-8 ng umaga nang maganap ang krimen matapos na buksan ng biktima ang kanyang hardware sa nasabing lugar.
Sinasabing nakatayo si Butak sa tapat ng hardware nito nang huminto sa harap nito ang tricycle sakay ang apat na kalalakihang armado ng baril.
Isa sa mga ito ang biglang bumaba sa tricycle at pinaputukan sa mukha ang biktima. Nang duguang bumulagta at matiyak na wala nang buhay si Butak, mabilis na bumalik ang suspek sa tricycle at kasama ang dalawang lookout sa pagtakas.
Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente upang ma tukoy ang motibo ng pamamaslang sa biktima.
- Latest
- Trending