Binata nag-suicide dahil sa sakit ng ngipin
MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang 31-anyos na binata matapos tumalon mula sa ika-15 palapag ng tenement building dahil lamang sa matinding pagsakit ng ngipin idagdag pa ang problemang dinadala nito tungkol sa paghanap ng trabaho, kamakalawa ng gabi sa Vitas, Tondo Manila.
Nakilala ang nasawi na si Geraldo Mogado, ng 742 Vitas Tenement.
Sa ulat ng Manila Police District-Station 1, dakong alas-10:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa Katuparan Building , 15th floor, Vitas, Tondo, Maynila.
Nabatid na ilang araw na iniinda ng biktima ang sobrang pananakit ng ngipin at kamakalawa ng gabi ay ibinili pa umano ng kanyang ina ng gamot upang makatulog dahil balisa na umano dahil sa matinding sakit.
Dahilan umano iyon upang hindi makatulog ng ilang araw ang biktima hanggang kamakalawa ng gabi, nagulat ang mga kasambahay niya at ina nang makitang wala na ito sa loob ng bahay hanggang sa may magbalita na tumalon ito sa gusali.
Ayon pa sa ulat nakahalo din sa depresyon ng biktima ang hindi makahanap ng trabaho sa loob ng 5 taon at hindi makatulong sa kanilang pamilya. ( Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending