^

Metro

Ex-convict patay sa mag-utol

-

MANILA, Philippines - Isang ex-convict ang na­patay makaraang saksakin ng magkapatid sa isang inu­man sa lungsod Quezon kamaka­lawa. Nasawi habang nila­lapa­tan ng lunas sa Que­zon City General Hospital (QCGH) ang biktimang si Aris Mala­saga, 22, ng Area-5 Sitio Ca­buyao Sauyo Rd. Brgy. Sauyo sa lungsod.

Samantala, nahihirapan naman ang awtoridad upang matukoy ang mga suspek dahil walang gustong magsa­lita sa mga residente sa takot na sila naman ang balikan.

Sa inisyal na ulat, nangyari ang insidente malapit sa bahay ng biktima pasado alas 9:30 ng gabi.

Nakikipag-inuman umano ang biktima sa tapat ng bahay ng isang Michael Lorena ka­bilang ang iba pang kaibigan nang du­mating ang isang alyas Do­dong kasama ang dala­wang suspek at nakipag-inuman. Ilang sandali ay nagpa-alam ang mga suspek, at maya-maya ay muling buma­lik na may dalang patalim at sinaksak sa likuran ang bik­tima, bago nagsitakas.

Ayon sa ulat, posibleng paghihiganti ang motibo ng pananaksak sa biktima dahil hindi naman umano nakatalo nito ang mga suspek.

Nabatid na isang buwan pa lamang na nakakalaya ang biktima matapos makulong sa kasong physical injuries kung saan dalawang taon din ang binuno niya sa Quezon City Jail. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ARIS MALA

AYON

BRGY

CITY GENERAL HOSPITAL

MICHAEL LORENA

QUEZON CITY JAIL

RICKY TULIPAT

SAUYO RD

SHY

SITIO CA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with