Trader binoga
MANILA, Philippines - Butas ang ulo ng isang 39 anyos na negosyante makaraang taniman ng dalawang bala sa ulo ng limang menor de edad na kalalakihan sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang biktimang si Edgar Palamos, 39, may-asawa, may-ari ng isang junk shop ng 1 San Miguel Compound, Barangay Tandang Sora, Quezon City.
Nadakip naman ang da lawa sa mga suspek na itinago sa mga alyas na John, 17; at Jhun, 16, kapwa residente ng Tandang Sora.
Nauna rito, nakikipag-inuman si Palamos sa ilan niyang kaibigan sa Banlat Road, San Miguel Compound, Tandang Sora nang mapadaan ang mga suspek.
Sinita at sinabihan ni Palamos ang mga suspek na huwag magpagala-gala sa kalye pero pinagbabato ng mga kabataan ang biktima at mga kasama nito.
Nagtago ang mga nag-iinuman pero namataan at binaril ng isa sa mga suspek si Palamos. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending