Lim-Moreno sa 2010

MANILA, Philippines - Pormal nang ipinahayag ni Manila Vice Mayor Francisco Moreno ang kanyang pagtakbo, kasabay ng anunsiyo na si Manila Mayor Alfredo Lim ang kanyang magiging running mate sa 2010 elections.

Sa pagdiriwang ng kanyang ika-35 taong kaarawan sa Rizal Coliseum sa harap ng may 50,000 Manilenyo, sinabi ni Moreno na napagpasiyahan ng kanyang parti­dong Asenso Manileno na si Lim ang kanilang susu­portahan sa pagka-alkalde na tunay na nagbibigay ng  suporta at pagmamahal sa mga residente ng lungsod.

Kaugnay nito, pinasalamatan din ni Lim si Moreno sa tiwala nito na maging running mate sa nalalapit na halalan. Ayon kay Lim, hindi matatawaran ang track re­cord ni Moreno at ang pagmamahal sa kapwa taga Maynila. (Doris Franche)

Show comments